cabeza

Subscribe!
Contacting cabeza
Send message Forward
Add to friends Favorites
Add to group Block user
Saturday, September 08, 2007

Mama Mary's Birthday Blessings

Current mood: happy

Views: 272
Comments: 0
Sa wakas sa tinagal-tagal ng panahon ay nakapamasyal na ulit ako. Kaninang umaga ay nagpunta ako sa simbahan para magsimba(natural) ngunit di ako naka-abot dahil tinanghali ako. Birthday kasi ni Mama Mary ngayon kaya naisipan kong magdasal. Dahil sa tinanghali na nga ako nagpasya na lamang ako pumunta sa SM San Fernando, second time ko pa lang pumunta dun, nung unang beses ay hindi pa gawa 'yung kalahati kaya maliit pa noon pero kanina inabot na ko ng 6:00 pm bago malibot 'yung buong SM San Fernando. Kung tutuusin ay may kaliitan sya kumpara sa ibang SM Super Malls ngunit kung sa haba mo naman titignan ay mas mahaba pa yata sa SM Fairview at SM Marilao ang SM San Fernando. Nakipag-jamming pa nga ako kanina dun sa nagtitinda ng Don-Jon na gitara, nagkataon siguro na pareho kami ng panlasa sa music. Tinugtog namin ang Hangar 18 ng Megadeth. May sablay pero ok lang 'yun kasi may kahirapan yung kanta at kailangan talaga pinagpapraktisan. Ikaw ba naman mag-sweeping ng mag-sweeping dun ewan ko lang kung hindi magkanda ipit 'yung daliri mo lalo na dun sa part ni Mustaine. Buti si Kuya na sumagot sa parteng 'yun:p. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa Quantum kung saan ito 'yung isang parte ng SM na madalas kong hinahanap at puntahan. Mahilag kasi ako maglaro ng Tekken lalo na kapag Tekken Tag. Nung Unang challenge ko ay nakadalawang panalo agad ako, si Bruce Irvin at Bryan Fury ang paborito 'kong character. Noob yata 'yung naglalaro, puro Rising Uppercut ba naman ang simulang gawin paanong di mo mahuhuli 'yung laro. Ginawa ko pinakain ko sya ng maraming string combo ni Bruce at Bryan, di nya tuloy malaman kung pano sya aatake sakin. Syempre di araw-araw pasko. Nung pangatlong laban ay natalo ako kasi hindi ko alam kung paano gamitin si Lee Chaolan, di ko nga alam bakit ko pa sya ginamit. Pagdating ng hapon ay nagpasya na akong umuwi para magsimba pero sa kasamaang palad ay tapos na nanaman ang misa pagdating ko. Sa Malolos Cathedral kasi ako nagpunta para malapit na rin sa bahay. Wala kasi akong alam na simbahan sa San Fernando, kung maghahanap naman ako ng simbahan ay baka maligaw naman ako. Mahirap na pagabi na rin kasi nung oras na 'yun. Pagdating ko sa simbahan ay nagdasal ma lamang ako ng pasasalamat dahil hindi ako pinabayaang mapahamak ng Maykapal. Amen:heart:
2:07 pm - 0 comments - 0 Kudos - Report!
Post your comment
Expand